Martes, Abril 12, 2011

ANG PAKIRAMDAM NG BAGONG BLOGGER

Ang pag uumpisa ng blog ay medyo mahirap, lalo na sa bagohang katulad ko. Wala akong ka alam-alam kung ano ang blogging nung una. Akala ko ito ay isang uri ng social networking tulad ng facebook o tweeter na tweet lang ang ginagawa o mag like. Sabi nila ay sobrang hirap raw ng blogging at boring. Eh kasi raw marami ka masyadong gagawin tulad ng pag ta type ng mahahabang artikulo oh pahayag. Eh sabi ko naman "hindi niyo pa nga nasubukan at ganyan na kayong mag salita?" eh kahit alam kong wala akong alam sa blogging nun.
At nung nakilala ko yung isa naming titser sa college na isang blogger ay naging inspirado akong sumali at makipag sapalaran sa pag ba-blog. Dahil sa titser naming iyon ay pinag-aralan ko muna ang mga techniques sa pag ba-blog. Lahat ng dapat na malaman ay pinag-aaralan ko parin kahit ngayon. Marami na akong mga dinaanan sa buhay na katarantaduhan. At dahil sa blogging ay inspirado akong magsikap,maging matatag at maging repsonsable upang mapag -buti ko pa at mapag-husay ko pa ang mga kaalaman ko sa pag ba-blogging. 
May iba't ibang pakiramdam na nadarama ang mga taong taong nag uumpisa sa pag ba blogging. May halong kaba, excitement, saya, at takot. Pero sabi nga nila diba? "no pain no gain" kaya kahit anong pagsubok ang daraan sa buhay naming mga new bloggers, ay pipilitin naming malampasan ito at titiyakin namin na kami ay mag tatagumpay.
Dahil sa isa na ako sa mga bagong blogger ng henerasyong ito, ay nakatatak na sa utak namin ang salitang "sikap". Ito ang magiging puhunan ng mga bawat taong gustong tahakin ang mundo ng blogging.


 DjRenzkie

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento